Ang Deskripsiyon ng Aking Unang Kaarawan
Ang aking unang kaarawan ay nakatakda sa araw ng Abril 29, 1987. Nang nagtanong ako sa aking mga magulang, una sa aking tatay na si Honorato, kung ano ang mga detalyadong pangyayari na naganap noong aking unang kaarawan, ang una niyang sinabi ay magtanong nalang ako sa aking nanay dahil hindi niya na maalala kung ano talaga ang nangyari. Pero tinanong ko rin ang aking tatay kung mayroon ba akong mga nakatagong mga litrato noong unang kaarawan ko. Ang sabi niya ay wala. Nang magtanong naman ako sa aking nanay, hindi rin maalala ng nanay ko ang mga nangyari noong araw na iyon. Marahil ay dahil sa 6 kaming mga magkakapatid ay nalimutan niya na talaga yung araw na yun. Nakakalungkot. Pero narinig ng aking nakatatandang kapatid na babae ang pagtatanong ko kay inay kaya't bigla siyang nagsabi na ang suot ko raw noon ay ang aking paboritong dilaw na "costume" na aso. Ayun! Naalala rin ng nanay ko kung ano nga ang nangyari noon. Masaya raw ang buong pamilya noong una kong k...