Ang Deskripsiyon ng Aking Unang Kaarawan
Ang aking unang kaarawan ay nakatakda sa araw ng Abril 29, 1987. Nang nagtanong ako sa aking mga magulang, una sa aking tatay na si Honorato, kung ano ang mga detalyadong pangyayari na naganap noong aking unang kaarawan, ang una niyang sinabi ay magtanong nalang ako sa aking nanay dahil hindi niya na maalala kung ano talaga ang nangyari. Pero tinanong ko rin ang aking tatay kung mayroon ba akong mga nakatagong mga litrato noong unang kaarawan ko. Ang sabi niya ay wala.
Nang magtanong naman ako sa aking nanay, hindi rin maalala ng nanay ko ang mga nangyari noong araw na iyon. Marahil ay dahil sa 6 kaming mga magkakapatid ay nalimutan niya na talaga yung araw na yun. Nakakalungkot. Pero narinig ng aking nakatatandang kapatid na babae ang pagtatanong ko kay inay kaya't bigla siyang nagsabi na ang suot ko raw noon ay ang aking paboritong dilaw na "costume" na aso. Ayun! Naalala rin ng nanay ko kung ano nga ang nangyari noon.
Masaya raw ang buong pamilya noong una kong kaarawan. Naroon daw ang aking mga ninong, ninang, tito at tita. Normal na pagdiwang lang ang naganap kasama ang tatlo kong nakatatandang kapatid at mga anak ng ninong at ninang ko. Pero ito ang pinaka nadiskubre ko sa aking sarili. Tunay na masiyahin daw akong bata. Noon pa man ay tawa na raw ako nang tawa kahit walang matinding rason para ako ay tumawa. Noong unang kaarawan ko raw ay may nag regalo sa akin ng parang "stroller" na puwede kong sakyan. Sa stroller ay puwede ko raw paikut-ikutin ang aking sarili sa loob. Nasobrahan daw ako sa aliw sa paggamit ng sasakyan na ito at minaneho ko raw palabas ng pinto ang aking sarili gamit ang istroller. Ang pinto naman namin ay may maliit na 7 pulgada kalaking "step" na parang sa hagdanan. Dumerediretso raw ako at nahulog mula sa aking stroller, nauntog at nagkahiwa ang aking ulo. Pero sa halip na umiyak daw ay tumawa pa rin daw ako.

Comments
isang taon pa lang liwba na. liwba.