Mag baguio kayo dahil maganda sa baguio
Refreshing Expeereeyuns.
May bago akong writing style na pinapauso. Magulo. Sana sa future ganito na ang ituro sa mga eskwela writings. Magulo. The sicnarf method of thinking and writing. Senseless.
KEYWORDS sa post na ito: REFRESHING, FRESH-NESS, FRESH, FRESH AIR, REFRESHER, REFRESHED
Yun, ano ba ang gusto kong sabihin? Noong umuwi ako sa Baguio, sobrang na refresh ako sa mga objectives at outlook ko sa buhay. Siguro malaki yung naging effect nung environment, specifically yung bahay namin sa Baguio.
Sobrang ganda na ng "hangin" doon sa amin. Nag mature na nang matindi yung pamilya namin. Unang una sa lahat, si Ryan yung seventeen year old brother ko na pinakabata sa aming mga lalake - tatay na siya! Pangalawa, automatic to, granpa at granma na sina pops at mama. Pangatlo, yung bunso namin, si Ynna, siya nalang ang walang trabaho. Hehe high school palang siya e. Pang-apat, lahat kaming magkakapatid technically wala nang bata ("Bata" pala para sa akin ay yung hindi pa rin nakakapag-isip para sa sarili). Anyway, simultaneous nangyayari ang mga kung ano ano doon. Ang tanga nung statement na yun no? Siyempre simultaneous naman talaga. Pero di nga, doon ko lang naramdaman yung matinding transition ng pamilya namen in terms of uhhh, maraming aspeto.
Bigla rin akong binigyan ni mama ng medyo malaking amount ng pera para makabili na ako ng laptop. Yeah, medyo pala, kasi yung savings ko dun ko binuhos. Sobrang natutuwa ako kasi ang laki ng tiwala nila sa akin. Solb solb talaga yung pag-uwi ko sa Baguio. Bwaha. Pero di lang dahil dun, dahil dito rin.... sa next.
Next. It never really crossed my mind to schedule a date with my "friend". Wala sa plano ko yun nung pupunta ako sa baguio, pero I guess whatever happens happens diba? diba? diba? First time ko maka expeereeyuns ng ganon men! Sablay-sablay pa nga yung mga hirit ko. Wohoo! Humirit ako ng first kiss ko, wala naman nangyari parin;
(new Boolean(kissesOfFrancis()) == 0) is true parin)!
Pero ang saya ko chongsk. After the "date" nanginginig talaga mga binti ko. Hindi ko alam kung dahil sa lamig or sa gutom. Pero hindi nanginig yung binti ko dahil wala-wala lang. Talagang na kuryente yata ako. Dinagitab ako ng babaeng yun. "Date" nga ang tawag sa nangyaring iyon. Date, date, date. Hekhek tol ang tindi! Evaluating what happened, masasabi kong ang tindi nung babae. LOL ako pa tinreat niya. WTFLMAO! Iba na siguro talaga ang panahon. Nice. Taena yun yata ang sakit ko e, dagitabsitis, or cancer of the neurons?, tsaka madaling ma kuryente. Malakas siguro talaga ma stimulate ang mga electricity-reacting-mechanisms ng katawan ko. Lol next...
Commercial:
Ang kulit lang nung terms e, "siguro talaga". Napakapakyu ng terms na yun, "siguro talaga". Siguro na nga Talaga pa! Bwaha shetpackbols. Natatawa ka ba o na wiwirdohan siguro talaga no? Haha, "siguro talaga". Ting! Chain of thought nanaman. Napakapakyu talaga ng isip ko hindi ko magets tsaka hindi niyo rin magets. Lumalayo na sa original topic.
Back to Next. Na refresh ang puso ko chong. Napakalambing pala ng mga babae. Hehe hindi ko maisip ang tamang english term para sa napakalambing. Ano ba? Nakakahumaling talaga ang babae. Or baka kaya ko lang nasasabi to kasi yung past na nakapag kuryente sa akin hindi malambing sa akin? Pero oo, masaya pala makipaglambingan e, taena bakit ngayon ko lang nalaman yun!? Whatthuff Laughing my ass off?! Hmmm, tingin ko dapat noong noong noong bata pa ako, I should have developed yung craft ko sa mga babae. Masaya e, parang strategy game / board game. Parang winamp sila e, panoorin mo lang yung visualizations matutuwa at ma ha high ka na. Wahahaha lumalayo nanaman sa original topic. Wala na. Pero related dito, na refresh ang emotional state ko dude. Medyo depressed ako for the past few months dahil sa babaeng taga dagitab. Paulit ulit tong linya ko na to a! Hehe. Hehehe. Hehehehe. HEHEHEHEHE! Pero nung umuwi talaga ako sa baguio na press ako (kung press man ang kabaligtaran ng depress). Haha on the loose nanaman tong utak ko.
Next topic. Nagsimba ako. Kasama ko parents kong magsimba. Sila lang. Hindi ko na maalala kung kelan ako huling nagsimba. Sobrang tagal na rin! April yata yung huli nung birthday ko. Oo, kasama ko si Ate Punky nun. So ano naman naramdaman ko nung pagkasimba ko? Sobrang nahihiya sa sarili ko! Hindi talaga kasi ako nakapag communion. Buong communion time hanggang church announcements nakaluhod lang ako at pamuni-muni sa mga kakulangan ko sa Diyos. Ok pa rin naman, naisip ko di parin ako tatalikuran ng Diyos kahit anong mangyari kapuwetan sa buhay ko. Praise da Lord at ni refresh Niya ako. Woohoo! Nung time na para magmano ako kela mama at papa biglang nag pray-over si mama sa akin. Feeling ko lumapit ako nang konti sa heaven e.
Next. Regarding sa sarili kong konsepto ng buhay at current dilemma ko sa pag graduate, naisip ko lang. Bakit ba ako palaging namamartida? Dapat lahat ng bagay hindi ko partidahan para magawa ko nang mas maayos e. Yun lang. Isang naisip ko lang. I am certain there's only one way para ma solve tong shitty anxieties na to e. Sacrifice yun. Hehe, maling-mali ba?
Ok din yung inuman ng barkada. Kung sa Los BaƱos madalas nakikinig lang ako sa kuwento ang nangyari ako ang taga kuwento. Sayang nga wala "siya". Hindi niya nakita kung paano ako magkuwento at kung ano pa man. Yun kasi yung gusto niyang makita sa akin, na mas maging interactive at maingay at makuwento ako. Oh well, di kasi sumama e. Tsk tsk tsk. Edi sana naturuan ko siya ng motha fucka egoy dance moves. Walang wala bangag na tong post na to mag iinom nalang ako.
Up next. Balita ko may darating na kakaibang tao ngayon e. Hehe sabi nga ni Corleone sensei, "Keep your friends close, your enemies closer." So yun, I'll see what I can do Don Corleone!
Comments