Habang lasing

Sana di ka mawala
Ayaw kong ikaw ay mawala
Dito ka lang sa tabi ko
Kaso bawal kang kunin

Para akong fool, laging nawawala ang isip
Okey lang ikaw naman laging laman nito

Delikadong magmahal nang sobra
Kelangan pa ng saksakan na tiwala
Sa sarili at sa isa't isa
Bakit kelangan mong umalis?

Di ko naman mababago ang desisyon mo
Kung ako ba si Leonardo Dicaprio
o Ryan Reynolds o yung machong lider sa 300
Iiwanan mo pa rin ako? =))
Joketime naman tong stanzang ito

Normal lang magkasakitan
at magtampuhan minsan
Wag lang gagawin ang mag-iwanan

Eh kasi nga naman hindi natin makukuha
Ang lahat ng ating kagustuhan
Kelangan lang talaga siguro maghintay

Para akong fool, laging nawawala ang isip
Okey lang ikaw naman laging laman nito

Kelan ka babalik baby
Pano yan pag gabi na at mag-isa ka
At meron kang gustong sabihin sa akin
Mararamdaman mo pa rin kaya ako diyan?
Lalo sa tabi mo, pag patulog ka na?

Hindi naman talaga delikadong magmahal nang sobra
Kasi doon talaga nabubuo ang tiwala diba
Wag kang mag-alala, Wag akong mag-alala

Gusto kong ulitin ang first stanza
Sana di ka mawala
Ayaw kong ikaw ay mawala
Dito ka lang sa tabi ko
Kaso bawal kang kunin

Comments

Popular posts from this blog

Imbento Box