Ang pagmamay-ari ng modernong teknolohiyang pagkamahal-mahal tulad ng mga modernong smartphone ay parang sugal at parang pag-ibig
PART 1
May mga smartphone na :
1. tulad ng what-a-ShameSung Galaxy na nahuhulog at nawawasak sa isang bagsakan lamang - ok kasalanan ko to lasing ako nung nag bike ako pauwi galing kela Shabbs. Tsaka ganun talaga bata pa ako non. Marami pa akong dapat matutunan non. Ok lang di talaga tayo meant to be.
2. tulad ng Motor-fu**er-ola Defy Plus na nalulunod sa tidal wave machine sa summer company outing. Tama ang pangalan mong Defy ka nga talaga k***na mo, ni-defy mo ang tiwala ko sayo na water proof ka! Bwiset na youtube reviews yan! Kung di ka lang sexy e para kasing maserati ang balat mo. Kinis mo! **** ka! Sana di na kita nilandi at di na tayo nag tampisaw sa tidal wave pool.
3. tulad ng AySUS! Padfone 2 na na-drowning pool din - inosenteng exotic na cellphone na nag sayonara astalavista baby japayuki sa swimming pool kasi may binulong ako sa isang nakainom na babae na nagngangalang ------- habang kasama kita. Di ko na talaga maalala kung ano yung binulong ko sa kanya non para matulak nya ako at madamay ka. Pero di mo naman dapat ako iniwan ng ganon ganon lang dahil lang don! Sige break muna tayo. Selosa ka eh.
Love is sweeter the 2nd time around. AySUS! Padfone 2 ko nagkabalikan din tayo, True love na ata ito. Kaso p****ena nawala ka nalang bigla pagkatapos kong pag-ipunan ang 16,000 pesos na pang replace sa basang mother packing board mo! Parang nag-isang linggong pag-ibig lang tayo nung nagkabalikan tayo. Lintik na pagibig pagkatapos kitang bilhan ng brand new na board iniwan moko pinagpalit moko sa magnanakaw! Ma-karma ka sana at sa bago mong tara***ng isnatcher!
4. tulad ng So-so-ny X-pera (mo waldas) Z1 white na namamatay-matay at nag rerestart nalang bigla . High maintenance kang hayop ka! Sakitin pa! Bilis mo pang mag-ubos ng kuryente. Pero in fairness mas wet and wild ka kesa sa mga nauna ko. IP67 ka nga talaga. Pero di ma explikang rason kung bakit nung una di ka lang nag ch-charge pagkatapos kitang pagurin. Yun pala sira na rin ang motherpa**ing board mo kasi daw kumalat na ang chemicals s**t sa loob mo. Kung alam ko lang na may cancer of the cellular circuits kang lintek na "brand new" cellphone ka di na kita binili. Sakto pang nagkasakit ka pagkatapos ng warranty mo! Kung di ka lang seksi at elegante eh di na kita binili! Di ka pala elegante, elepante ka walangya kaa!
Buti nalang matanda na ako at mas maingat na, at natuto na sa larong ito, ayaw na kitang ipa-chemo sa So-sooony service center, dun ka nalang siguro sa Greenhills sa mga muslim! Baka iwan mo rin ako tulad ni AySUS Padfone 2 eh pagkatapos kitang ipagamot.
--- For all these above-mentioned 15 to 27k pesos price-ranged "smart" phones, iba talaga ang ancient phone ko na nokia 6300, foota buhay pa ang loka loka. Iba ka, low-maintenance, long-lasting, slow ka ngalang paminsan minsan at mukhang dinosaur pero I love you no matter what. Muntik ka nang kunin ng iba sa akin pero never, Never gonna give you up ---
PART 2
Ang pagmamay-ari ng modernong teknolohiyang pagkamahal-mahal tulad ng mga modernong earphones ay parang sugal
May mga:
1. Free earphones sa binili mong cellphone (wow it comes with the package! astig!). Pero tunog lata! Hindi lang basta normal na lata. Ito ay lata ng sardinas na 69 years expired na. Gawa kasi ang earpiece sa kinaskas nang kinaskas sa sahig na lata!
2. Earphones na nabubutas ang katawan at nakikita na ang mga laman loob nito. Too bad wala pang earphone na gawa sa balat ng ahas . Kung meron lang nito sana self-repairing ang earphones natin.
3. Earphones na nangunguryente ng tenga pag nagpawis ka habang nag t train ka - kasi may 1.5 kms kiddie run kang sasalihan. Kelangan mong kabitan ng "ground" parang sa washing machine para di ka makuryente habang naglalaba ng panty ng asawa mo.
4. Nag iipon ng earwax hanggang pwede nang kolangutin! Hindi ko alam ang term sa pag kulangot ng earwax.
Buti nalang may Yurbuds earphones na maaasahan sa panahon ng kalungkutan at sakuna. Sa Yurbuds hindi ka malulungkot, lagi ka nyang pasasayahin, aalagaan at sasabihin nya sayong ang modernong teknolohiya ay hindi ganun ka sama. Sa Yurbuds, magagawa mo ang lahat. Sa Yurbuds, wala ka nang aalalahanin pa. Dito sa Yurbuds, hindi ka magsusugal.
Kaya bili ka na ng earphones sa Cascos, Inc. Siguradong hindi ka magsisisi. Sisiguraduhin ng Cascos, Inc na ang pinaghirapan mong sweldo ay hindi basta-basta nalang mapupunta sa wala! Huwag ka nang bumuli ng "Senn haist ser" , "Sooo-Sony-loko mo ako, so-sony-linlang mo ako" , "walangBeats by Doctor Pwe!", "Bose-abos" at kung ano ano pa. Siguradong iiwan ka ng mga yan.
Advanced Merry Christmas and Happy New Year to you guys at Cascos Inc. Highly recommended. Brand new replacement of my almost 1-year-old earphones. Great customer service and after-sales. Friendly and accommodating staff. Kulang nalang pakilala niyo ako sa idol kong si Kuya Kim (balang araw) . Good job
Comments