Jurassic Park

Noooooooong unahang panahon, nasira ang plane na sinasakyan ko at nag crash landing sa dagat. Crash landing nga eh tapos dagat?! ! Napadpad ako sa isang lost island na punung puno ng mababangis na hayop, insekto at poisonous na halaman. Oo venus flytrap na malaki at mga dinosaur mga t-rex ganon. . . Habang nagtatampisaw ako sa batis, at naghahanap ng kapwa tao na makakaligtas sakin, nakagat ako ng ahas na may kamandag - isang sea snake este, batis snake. ewan basta ahas sa batis. Pinilit kong labanan ang kamandag ngunit tuluyan akong nanghina, ni try kong alalahanin lahat ng masayang ala ala sa buhay ko - dahil don nakatulog ako, at akala ko tuluyan nakong matutulog habangbuhay at di na magigising pa! Aba swerte, nagising pako! Pag gising ko may isang babae, pagka ganda ganda. Akala ko panaginip lang ang lahat . Ngunit hindi, totoong buhay pa nga ako. At swerte may chic pa sa lost island! Panalo! Sino ba itong babaeng ito? Tila isang diwata / anghel sa harap ng aking mga mata. Basta nung nagka malay na ako una kong ginawa ay mag picture gamit ang 25.55 megapixel na smartphone ko.  ito yung picture


Nalaman ko siya pala ang nagtanggal ng poison sa aking katawan. Salamat sa kanya buhay pa ako. Nung natauhan nako, nakalimutan ko may load at cellphone nga pala ako. Ayun tumawag ako sa pamilya ko at niligtas nila ako , dinala din namin ang babae sa kabihasnan at ilang taon nakalipas nag propose ako sa kanya, sinagot naman nyako at ngayong taon ikakasal kami. Yeah!


Comments

Popular posts from this blog

Imbento Box